“𝑵𝒐 𝒎𝒂𝒏 𝒍𝒆𝒇𝒕 𝒃𝒆𝒉𝒊𝒏𝒅.”
Sa patuloy na pag-usbong ng digitalization, sinisiguro ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na lahat ay nakakasabay sa pagbabago at walang maiiwan kaya naman sa pamamagitan ng 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗴𝘂𝗮, 𝗝𝗿., pinasinayaan na ang kauna-unahang 𝑫𝒊𝒈𝒊𝒕𝒂𝒍 𝑳𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒄𝒚 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 para sa mga Persons with Disability.
Nasa 20 mga PWDs naman ang nakilahok sa pagsasanay na nagsimula noong Octubre 18 hanggang Oktubre 20 sa Language Skills Institute, Provincial Capitol Complex.
Layunin ng programa na matulungan ang mga Calapeñong PWD na magkaroon ng 𝒃𝒂𝒔𝒊𝒄 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒖𝒕𝒆𝒓 𝒔𝒌𝒊𝒍𝒍𝒔 tulad ng paggamit ng 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 𝑨𝒑𝒑𝒍𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 upang tuluyang maging 𝑫𝒊𝒈𝒊𝒕𝒂𝒍 𝑳𝒊𝒕𝒆𝒓𝒂𝒕𝒆 – bagay na kalimitang makikita sa listahan ng kuwalipikasyon na hinahanap ng mga employer.
Gayundin, isa ito sa pamamaraan ng Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang mga PWDs na makahanap ng trabaho o pagkakakitaan sa kabila ng kanilang mga kapansanan.
Naging katuwang naman ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 (𝗗𝗜𝗖𝗧) sa pamamagitan ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗡𝗼𝗿𝗹𝘆 𝗔. 𝗧𝗮𝗯𝗼 (𝗢𝗜𝗖 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻) at 𝗠𝗿. 𝗞𝗲𝗮𝗻𝘂 𝗠. 𝗢𝗿𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 na siyang nanguna sa pagsasanay, at ang Languange Skills Institute Oriental Mindoro.