Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗢. 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻, kasama ang ilan sa mga Department Heads at Program Managers, ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang limang (5) natatanging kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, ginanap sa City Hall, nitong araw ng Lunes, ika-16 ng Oktubre.
Pinarangalan at binigyang pagkilala rito si 𝗠𝘀. 𝗛𝗮𝘇𝗲𝗹 𝗔𝗻𝗻𝗲 𝗟. 𝗠𝗮𝘀𝗼𝗻𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴, 𝗥𝗡𝗗, 𝗠𝗣𝗛 (𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗜𝗜 / 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿) na nagtapos ng 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗶𝗻 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝗜𝗻𝗰. at nakatanggap ng 𝗗𝗿. 𝗘𝗹𝗶𝘇𝗮𝗯𝗲𝘁𝗵 𝗗. 𝗣𝗼𝗿𝗿𝗮𝘀 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 (𝗚𝗼𝗹𝗱) 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗿𝗲𝗹𝗲𝘃𝗮𝗻𝘁 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗶𝗻𝘃𝗼𝗹𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁.
Pinarangalan din sina 𝗠𝘀. 𝗞𝗿𝗶𝘀𝗵𝗻𝗮 𝗡. 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼 (𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗜), 𝗠𝘀. 𝗥𝗵𝗼𝗻𝗮 𝗗𝗮𝘆𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘀𝗶𝗴𝗮𝗻 (𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗜), 𝗠𝘀. 𝗩𝗶𝘃𝗶𝗮𝗻 𝗠. 𝗥𝗮𝗴𝗼 (𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲 𝗜), at 𝗠𝘀. 𝗥𝗲𝗻𝘇 𝗘𝗶𝗹𝘆𝗻𝗻𝗲 𝗗𝗶𝗲𝘇𝗺𝗼𝘀 (𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲 𝗜𝗜 / 𝗥𝗛𝗠𝗣𝗣) na matagumpay na nakapagtapos ng 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲𝗿𝘆 sa Mary Chiles College, Sampaloc Manila.
Ang iginawad na Sertipiko ng Pagkilala ay bilang pagpapahalaga sa kanilang tagumpay bilang isang magandang halimbawa, para sa mga lingkod-bayan na nagsusumikap na mas pahusayin pa ang kanilang mga propesyonal na kasanayan at kaalaman, upang mas higit na makapaghatid ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan ng Lungsod ng Calapan.