Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, katuwang ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁,
matagumpay na naisagawa ang “7𝒕𝒉 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑨𝑰𝑪𝑺) 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕” na mula sa ibinigay na pondo ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 Bong Go, ginanap sa Kalap Court, City Hall, nitong ika-11 ng Oktubre.
Nakatanggap ng 𝗣𝗵𝗣 𝟮,𝟬𝟬𝟬 ang nasa kabuuang 𝟱𝟯𝟬 na benepisyaryo na nagmula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Calapan, kung saan naging saksi rito ang mga kinatawan na mula sa opisina ni Senator Bong Go sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗙𝗹𝗼𝗿 𝗔𝗺𝗮𝘁𝗲.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng opisina ni Kon. Atty. Jel Magsuci, sa tulong ng 𝗗𝗦𝗪𝗗-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na mula sa 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝑺𝑻𝑷 𝑨𝒅𝒎𝒊𝒏𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼 at 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑹𝒆𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 (𝑯𝒆𝒂𝒅 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔 & 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔).
Samantala, lubos namang nagpapasalamat ang Konsehala kay Senator Bong Go, dahil sa pondong ipinagkaloob nito para maisakatuparan ang AICS Payout, gayundin kay Mayor Morillo na walang tigil na kumakatok sa opisina ng mga Senador at iba’t ibang ahensya, para mangalap ng karagdagang pondo para sa mga nangangailangang Calapeño.
Nagpahayag din ng mensahe ang butihing Ina ng Lungsod, kaugnay sa mga proyekto ng Senador para sa mga Calapeño, katulad ng 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, gayundin, sinabi rin niya na kabalikat ng mga mamamayan ang Pamahalaang Lungsod at hindi niya pababayaan ang mga mamamayan.