5 mangingisda, hinuli ng PCG at bantay dagat dahil sa iligal na pangingisda sa katubigang sakop ng Harka Piloto, lungsod ng Calapan

Hinuli ng mga awtoridad ang limang (5) mangingisdang residente ng Brgy. Ibaba West, lungsod ng Calapan matapos itong maaktuhang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Harka Piloto.

Ang mga nasabing mangingisda ay inaresto dahil sa paglabag sa ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ก๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿด๐Ÿด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿญ๐Ÿด, na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda.

Nakuha mula sa kanila ang isang net bag, mga flash light, weights, kutsilyo, isang unit ng air compressor, box cooler na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda, spear fishing gun, at bangka na walang ๐‘บ๐’‚๐’‡๐’†๐’•๐’š, ๐‘บ๐’†๐’„๐’–๐’“๐’Š๐’•๐’š, ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฌ๐’๐’—๐’Š๐’“๐’๐’๐’Ž๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ ๐‘ต๐’–๐’Ž๐’ƒ๐’†๐’“๐’Š๐’๐’ˆ (๐‘บ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ต) ng ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—š๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda gamit ang compressor dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan ng tao maging sa yamang-dagat.

Ang adminsitrasyon ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ ay seryoso sa pangangalaga sa likas na yaman ng Calapan, kung kaya’t isa ang ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป program sa pinagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan na ang layunin ay mapangalagaan, maprotektahan, at mapahalagahan ang kalikasang nagbibigay kabuhayan, pagkain, at masiglang ekonomiya sa lungsod sa pamamagitan ng turismo.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ (๐—™๐— ๐—ข) sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga katubigang sakop ng Calapan pati na ang pagtuturo ng tama at responsableng pangingisda.