Blessing of road in Sitio Silangan, Barangay Sapul

Araw ng Sabado, Oktubre 7, 2023, naimbitahan si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagpapasinaya ng bagong bukas na kalsada na matatagpuan sa Sitio Silangan, Barangay Sapul, Calapan City.

Ang naturang kalsada ay magbibigay ng malaking kaalwanan para sa mga resisdente na dati-rati ay nagtitiis dumaan sa masukal na daan at makipot na pilapil.

Nagayon ay may maayos na silang nilalakaran at nakakapasok na rin ang mga sasakyan patungo sa kanilang mga tahanan. Lubos namang nagpapasalamat ang mga residente sa mga personalidad na may mabuting puso na nagkaloob ng bahagi ng kanilng lote upang makumpleto ang kabuuan ng naturang kalsada, sila ay sina:

𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗩𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 (Consuvil Realty Development Corporation)

𝗠𝗿. 𝗚𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗿𝘀. 𝗗𝗮𝗶𝘀𝘆 𝗧𝗲𝗾𝘂𝗶𝗹𝗮

𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝗰𝗸 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮

𝗠𝗿. 𝗥𝘆𝗮𝗻 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮

Maliban kay Mayor Malou ay naroon din ang ilang Kagawad ng Barangay mula sa Pamahalaang Barangay ng Sapul. Si 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗖𝗲𝗻𝗼𝗻 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮 ang siyang nanguna sa pagbabasbas ng bagong bukas na kalsada.

Umaasa naman ang mga residente sa lugar na sa darating na panahon, sa pamamagitan ni Mayor Malou ay matutulungan sila ng Pamahalaang Lungsod na maipakonkreto ang kanilang kalsada para sa mas higit nilang kaalwanan.