Pay day treats night market bazaar na handog ng pamahalaang Lungsod ng Calapan, muling naghatid ng kasiyahan

“𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚, 𝑴𝒂𝑯𝒂𝒍𝑻𝒂 𝑵𝒂! 𝑻𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒚𝒂, 𝒔𝒊𝒈𝒍𝒂, 𝒂𝒕 𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏!”

Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng Calapan City Tourism, Culture and Arts na pinamumunuan ni 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, katuwang ang 𝗡𝘂𝗰𝗶𝘁𝗶 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, matagumpay na naidaos muli ang 𝑷𝒂𝒚 𝑫𝒂𝒚 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒕𝒔 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑴𝒂𝒓𝒌𝒆𝒕 𝑩𝒂𝒛𝒂𝒂𝒓 na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan para sa taumbayan, ginanap sa Nuciti Parking Grounds, Calapan City noong Setyembre 29-30, taong kasalukuyan.

Tampok sa masayang pagtitipong ito ang iba’t ibang food stall na talaga namang swak na swak sa budget at panlasa ng madla, katulad ng tindahan ng milktea, shawarma, Korean foods, at mga sikat na local beef brisket, kilalang doughnuts at mga kilalang kapehan sa bayan na silang tinangkilik, hindi lamang ng mga bata, kung hindi pati na rin ng mga matatanda.

Ang Night Market Bazaar ay mas lalong pang pinatingkad at binigyang buhay ng mga nakaaaliw at nakamamanghang pagtatanghal ng mga local music jammer katulad ng 𝗗𝗻𝗖 𝗕𝗮𝗻𝗱, 𝗧𝗢𝗟 𝗕𝗮𝗻𝗱, 𝗥𝗣𝗠𝗖 𝗕𝗮𝗻𝗱, at 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗻𝗱, mapababae man o lalaki, bata at matatanda, may jowa o wala, ang lahat ay nakiisa at nakisaya (Cedric Errol A. De Guzman/CIO).