Sa pamamagitan ng pagtutulungan nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jell Magsuci, patuloy na naipapatamasa ang walang patid na paghahatid ng tulong para sa mga Calapeño; sa pangunguna ni 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, katuwang ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, matagumpay na naisagawa ang 4𝒕𝒉 𝑨𝑰𝑪𝑺 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕 na mula sa ibinigay na pondo ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗼, ginanap sa Kalap Court, City Hall, nitong ika-11 ng Setyembre.
Nakatanggap ng 𝗣𝗵𝗽 𝟮,𝟬𝟬𝟬 ang nasa kabuuang 𝟯𝟮𝟮 na benepisyaryo na mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Calapan, kung saan karamihan sa mga ito ay mga tricycle driver.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng opisina ni Kon. Atty. Jel Magsuci, sa tulong ng mga kasapi ng DSWD, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na mula sa Sectoral Relation sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮, 𝑯𝒆𝒂𝒅 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔 & 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔.
Samantala, lubos na nagpapasalamat ang Konsehala kay Senator Bong Go dahil sa pondong ipinagkaloob nito para maisakatuparan ang AICS Payout, gayundin sa suporta ng Ina ng Lungsod, Mayor Morillo at sa pakikipagtulungan ng DSWD.