Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan para sa pagdiriwang ng ika-56 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 (𝑨𝒔𝒔𝒐𝒄𝒊𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑺𝒐𝒖𝒕𝒉𝒆𝒂𝒔𝒕 𝑨𝒔𝒊𝒂𝒏 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔) na may temang “𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗠𝗮𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀: 𝘌𝘱𝘪𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘶𝘮 𝘰𝘧 𝘎𝘳𝘰𝘸𝘵𝘩”, sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga kasuotan ng iba’t ibang bansang kasapi ng ASEAN, sa
pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, kasama ang mga Konsehal na mula sa Sangguniang Panlungsod, mga Hepe ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod, gayundin ang mga kawani nito, ginanap nitong ika-29 ng Agosto.
Tampok sa isinagawang aktibidad na ito ang kinatawan ng bawat departamento at opisina ng Pamahalang Lungsod at Sangguniang Panlungsod, kung saan taas noo at buong pagmamalaki nilang ibinida sa madla ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga naggagandahang mga kasuotang hango sa ASEAN.