Pay day treats night market bazaar, handog ng pamahalaang lungsod ng Calapan (First night)

𝑵𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒚𝒂, 𝒔𝒊𝒈𝒍𝒂 𝒂𝒕 𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏!

Sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng Calapan City Tourism, Culture and Arts na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, napuno na naman ng saya ang gabi ng mga Calapeños dahil sa 𝑷𝒂𝒚 𝑫𝒂𝒚 𝑻𝒓𝒆𝒂𝒕𝒔 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕 𝑴𝒂𝒓𝒌𝒆𝒕 𝑩𝒂𝒛𝒂𝒂𝒓 na naganap sa Nuciti Parking Grounds mula ika-15 hanggang 16 ng Setyembre.

Naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang Nuciti Central na siyang nagbigay-daan upang ipagamit ang kanilang parking grounds. Gayundin, tampok sa bazaar ang mga food stalls kung kaya’t samu’t sari ang mga pagkaing maaaring pagpilian.

Habang namimili o habang kumakain, walang kupas na musika naman ang handog ng mga pinagmamalaking local bands ng Calapan – ang 𝗙𝗹𝗮𝘁𝘀 ‘𝗡 𝗦𝗵𝗮𝗿𝗽𝘀, 𝗘𝗮𝘀𝘆 𝘁𝗼 𝗚𝗲𝘁 𝗕𝗮𝗻𝗱, 𝟰 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲, at 𝗠𝗼𝗼𝗻𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁.