Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Governor’s Cup: 25 and under intertown basketball tournament – Calapan City Official Website

Governor’s Cup: 25 and under intertown basketball tournament

Dahil nababatid ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang pananabik ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga kabataang Mindoreño sa muling pagbabalik ng pinakamalaking liga ng basketball sa lalawigan dahil sa nagdaang pandemya ay kanyang tiniyak na mas masaya at kapanapanabik ang ilulunsad na palaro ng basketball ngayong taon.

Noong Setyembre 16, 2023, sa Sentrong Pangkabataan Sports Complex, Barangay Sapul, Calapan City, ay ganap nang naisagawa ang opening ceremony para sa 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿’𝘀 𝗖𝘂𝗽: 𝟮𝟱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝘁𝗼𝘄𝗻 𝗕𝗮𝘀𝗸𝗲𝘁𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinangunahan nina Governor Humerlito Dolor at 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗯𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 kasama nila ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga Mayor at Vice Mayor ng mga bayan at lungsod.

Si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, dahil sa kanyang kagustuhan na maiparamdam sa mga kabataang Calapeño na pambato sa nasabing torneo ang kanyang pagsuporta ay personal na nakibahagi sa nasabing aktibidad.

Ikinatuwa naman ni Governor Bonz na ang 14 na bayan at isang lungsod sa buong lalawigan ay may kalahok na koponan. Bukod sa inaasahang magiging kapanapanabik ang kompetisyon ay tiyak na magiging mainit ang sagupaan sa hard court dahil sa engrande at malalaking papremyo.

Tumataginting isang milyong piso (P1,000,000) ang nakalaang cash prize na makukuha ng magiging kampyon at may kasama pa itong gymnasium na nagkakahalaga ng walong milyong piso (P8,000,000).

Kung sakaling ang mananalong team ay walang technical foul na nakuha sa buong liga, mayroon pa itong bonus na 𝗣𝟮𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬. Ang 1st placer ay makakatanggap ng 𝗣𝟮𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬; 2nd placer – 𝗣𝟭𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬; at 3rd placer – 𝗣𝟭𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬. Ang MVP ay mananalo ng 𝗣𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 at may tig-𝗣𝟱𝟬,𝟬𝟬𝟬 ang 11 koponan na matatalo.

Ayon kay Governor Bonz, higit sa malalaking cash rewards na mapapanalunan sa torneyo ay mas mahalagang maipakita at malinang ang talento ng mga kabataan sa larong basketball.

Ang Governor’s Cup Intertown Basketball Tournament 2023 ay ‘𝒔𝒕𝒓𝒊𝒄𝒕𝒍𝒚 𝒑𝒖𝒓𝒆 𝒍𝒐𝒄𝒂𝒍𝒔’ at ‘𝒏𝒐 𝒑𝒓𝒐𝒇𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝒑𝒍𝒂𝒚𝒆𝒓𝒔’, ito’y upang bigyang oportunidad ang mga kabataang basketbolista sa Oriental Mindoro na sumikat at maabot ang mas mataas na lebel sa larangan ng basketball.

Matapos ang mga seremonyas ng palaro tulad ng hoisting of team banners, lighting of torch, oath of sportsmanship at ceremonial basketball toss ay naging mainit na ang sumunod na tagpo sa sagupaan ng mga madirigma sa hard court.

Sa tapatan ng 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗹𝗮𝗰𝗮𝗼 𝘃𝘀. 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀 ay panalo ang team Roxas; 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴 𝘃𝘀. 𝗕𝗮𝗻𝘀𝘂𝗱 ay wagi ang Team Bongabong samantalang panalo ang Team 𝗣𝘂𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗚𝗮𝗹𝗲𝗿𝗮 sa laban nito kontra Team 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼.

Sa last game ay nagharap ang Team 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 laban sa koponan ng 𝗦𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗼𝗱𝗼𝗿𝗼. Sa unang salpukan pa lamang ay agad dinomina ng mga pamabato ng Calapan ang unang kwarter na nagtapos sa iskor na 𝟮𝟰-𝟮𝟬.

Sa bawat bitiw ng bola ay halos walang mintis ang tirador ng Team Calapan dahilan upang umagwat ng malaking kalamangan hanggang sa dulo ng 3rd quarter na kung saan naitala ang 28 puntos na kalamangan sa iskor na 𝟱𝟭-𝟳𝟯.

Sa pagpasok ng 4th and final quarter ay lalo pang ginanahan ang koponan ng Calapan, sa last 2 minutes lumobo na sa 30 puntos ang kalamangan 59-89 hanggang sa tuluyan nang kinapos ang Team San Teodoro.

Nagtapos ang labanan sa iskor na 𝟲𝟯-𝟵𝟮, pabor sa Team Calapan, tambak ng 29 na puntos ang Team San Teodoro. Samantala, sa paligsahan ng may pinakamagandang 𝑻𝒆𝒂𝒎 𝑴𝒖𝒔𝒆 ay tinanghal na 𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑴𝒖𝒔𝒆 ang binibini mula sa Bayan ng Naujan na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗝𝗮𝘆𝗮𝗴.