Naganap, ika-11 ng Disyembre ang pagbibigay ng Pamahalaang Lungsod ng birthday cash incentive sa ating mga Senior Citizens.
Sumatotal, sa halos dalawang-daan (200) senior citizens, nasa P341,500.00 ang kabuuang naipamahagi sa ating mga lolo at lola na may edad 80-99 na ang kaarawan ay buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Pinangunahan ng Calapan City Social Welfare and Development Department ang nasabing payout, sa pamamahala ni Ms. Juvy Bahia, RSW, na dinaluhan rin ng personal ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo.