Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Oriental Mindoro Pride 2024, matagumpay na naidaos ang
Calapan Queen 2024 Coronation Night na ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-26 ng Hunyo.
Sampung (10) mahuhusay at naggagandahang mga kandidata mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan ang naglaban-laban at nagpamalas ng kanilang angking talino at natatanging talento sa nasabing kompetisyon na siyang tunay na kinabiliban ng mga manonood.
Nagpakita ng pagsuporta sa nasabing aktibidad si City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama sina City Administrator, Ms. Penelope Belmonte, City Councilor, Atty. Jel Magsuci, Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), GAD Focal Person, Ms. Junie Rose S. Gahol at LILAC Council of Leaders.
Samantala, naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pangangasiwa ng LIngkod LGBTQIA+ Association of Calapan City (LILAC) sa pangunguna nina Josh Barrientos (Chairperson, LILAC) at Jorgel Maranan (LILAC, President), sa tulong ni Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, katuwang ang Calapan City Gender and Development, City Information Office, at Management Information System Office.
OFFICIAL RESULT OF CALAPAN QUEEN 2024
Calapan Queen 2024 – Tina (Brgy. Pachoca)
- 1st Runner Up: Patricia (Brgy. Sta. Isabel)
- 2nd Runner Up: Kyla (Brgy. Ilaya)
- 3rd Runner Up: Thyrone (Brgy. San Antonio)
- 4th Runner Up: Kielly (Brgy. Lumangbayan)
- Best in Production: Tina (Brgy. Pachoca)
- Best in Festival: Thyrone (Brgy. San Antonio)
- Best in Swimsuit: Tina (Brgy. Pachoca)
- Best in Advocacy: Mikay (Brgy. Bucayao)
- Best in Gown: Tina (Brgy. Pachoca)
- Best in Talent: Patricia (Brgy. Sta. Isabel)