CALAPAN GO SKATEBOARDING DAY 2024

Bilang bahagi ng pagsisikap ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo na palakasin ang potensyal ng ating mga

kabataan pagdating sa sports at lokal na turismo, Sabado, ika-22 ng Hunyo, personal siyang nakiisa sa aktibidad na isinagawa ng mga kabataang Calapeño na mahilig sa skateboarding, na nag-umpisa sa isang Skate Parade.

Bilang bahagi ng pagpapataas ng kalidad ng naturang sports, isang pangako ang binitiwan ng Ina ng Lungsod na siyang nagpa-boost ng morale ng naturang mga kabataan — ito ay ang pagpapatayo o pagpapagawa ng pinakahihintay nilang Calapan City Skate Park.

Ayon kay Mayor Malou, ang parke ay ididisenyo at ipatatayo hindi lamang para sa kasiyahan ng ating mga kabataan na mahilig sa skateboarding ngunit maaari rin itong gamitin bilang isang lugar para sa mga pambansang paligsahan sa skateboarding, sa mga darating na panahon.

Magiging bahagi ng naturang Skate Park ang skating obstacles for beginners, intermediate at professional, na labis na ikinatuwa ng ating lokal na skateboarders.

Matatandaang umingay ang sports na skateboarding dito sa bansa matapos ipamalas ni Margielyn Didal, ang husay niya sa larangan ng skateboarding na naging dahilan upang masungkit niya ang ikaapat na gintong medalya ng Pilipinas sa isinagawang Asian Games, sa Jakarta Palembang, Indonesia, taong 2018.

“Pagbibigay suporta sa pag-aangat ng extreme sports sa lungsod ng Calapan, suportado ko po ‘yan” — City Mayor Marilou Flores-Morillo