Napasakamay na ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang
Health Emergency Allowance (HEA) ng mga Calapeño health workers. Matatandaang makailang ulit naging isyu at inulan ng kaliwa’t kanang batikos ang liderato ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo dahil sa hindi diumano pagri-release ng HEA.
Ipinakita sa publiko ni Mayor Morillo sa kanyang Facebook live ang tsekeng natanggap ng Calapan LGU na nagkakahalaga ng ₱46,528,750, na may petsang Mayo 9, 2024 mula sa National Government, upang pawalang katotohanan ang kumakalat na balitang matagal nang natanggap diumano ng lungsod ang allowance ng mga BHWs at ito’y iniipit lamang ni Mayor Morillo.
Ang magandang balitang ito ay nagpapatunay lamang na hindi kailanman magwawagi ang kasinungalingan at mapanirang akusasyon lalo’t ang Ina ng Lungsod ng Calapan ay kilalang Top Performing Mayor, may magandang reputasyon sa taumbayan at higit sa lahat, tapat sa pananalapi.