Kapiling si City Mayor Marilou Flores-Morillo, at City Nutrition Action Officer, Glenda M. Raquepo, RN, sama-sama at masayang
ipinagdiwang ng Cluster 5 na binubuo ng sampung (10) barangay sa Calapan ang “50th Nutrition Month Celebration 2024” sa Barangay Personas, Covered Court, nitong ika-12 ng Hulyo.
Sa temang “Sa PPAN Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat”, matagumpay na naidaos ngayong taon ang Buwan ng Nutrisyon na naglalayong sama-samang iangat at bigyang pansin ang nutrisyon, bata ka man o matanda.
Dito ay iba’t ibang aktibidad ang naisakatuparan katulad ng Feeding Activity, Slogan Making Contest, Makatang Pang Nutrisyon, Handog ni “Lolo at Lola” para sa Nutrisyon 60 and above, at iba pa.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Dr. Ma. Teresita Nieva-Bolor, MD (Calapan City Population Development Officer-Designate), Chief of Staff, Mr. Joseph Umali, at iba pang mga opisyal, konsehal ng lungsod, gayundin ang mga Punong-Barangay at kinatawan mula sa Balingayan, Baruyan, Canubing I, Canubing II, Comunal, Malamig, Patas, Personas, Sta. Rita, at Tawagan,
Bahagi ng pagsasakatuparan sa nasabing aktibidad ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department – Nutrition Section, katuwang ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS), at Barangay Health Workers (BHW).