2024 POPCEN-CBMS REGIONAL PRESS LAUNCH, IDINAOS SA CALAPAN

Sa pangunguna ng Philippine Statistic Authority (PSA) Regional Statistical Services Office (RSSO), matagumpay na naisagawa ang “2024

Census of Population & Community Based Monitoring System Regional Press Launch” na ginanap sa Filipiniana Hotel, Calapan City, Oriental Mindoro, nitong ika-12 ng Hulyo.
Ang magkasabay na pagsasagawa ng dalawang statistic activity sa pangunguna ng PSA ay naglalayong makuha ang pangkabuuang pag-unawa sa ating populasyon at kanilang mga pangangailangan na magsisilbi bilang isang mahalagang mapagkukunan ng datos, para sa mga gumagawa ng polisiya, tagaplano, at mga gumagawa ng desisyon.
Sinasabing simula ngayong Hulyo, magpapadala ang PSA ng mahigit 70,000 Enumerators sa buong Pilipinas, para magsagawa ng house-to-house interview para sa 2024 POPCEN-CBMS, kung saan tinitiyak na ang lahat ng impormasyong nauukol sa respondente ay ituturing na confidential.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kung saan nakasama niya rito sina PSA MIMAROPA Regional Director, Leni R. Rioflorido, CPD MIMAROPA Regional Director, Reynaldo O. Wong, NEDA MIMAROPA Chief Economic Development Specialist, Emerson Kim J. Lineses, at Chief Statistical Specialist, PSA MIMAROPA – SOCD, Maria Liezl L. Magbojos, gayundin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agency, LGUs, Academe, at Media