Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 ang ikatlong 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 nitong ika-18 ng Agosto.
Sa pamamagitan ng Zoom, nagkaroon ng talakayan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 kaugnay sa parangal na 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿. Dito ay nagbigay ng inisyal na ebalwasyon at mga rekomendasyon ang NNC para sa ating 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗠𝗮. 𝗜𝗺𝗲𝗲 𝗔. 𝗖𝗲𝗹𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼.
Samantala, sa pagpupulong ay tinalakay ang ilang mga updates mula sa Department of Health tungkol sa minimum health standard protocols, updating masking, quarantine and isolation protocol, at reporting and risk communication. Gayundin ay binahagi ang estado ng mga pinapatayong Rural Heath Units sa Lungsod ng Calapan.
Pagdating sa kalusugan ng mamamayang Calapeño, sa ngayon ay walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19. Umabot naman sa 𝟳,𝟲𝟭𝟬 ang bilang ng may sakit na 𝗛𝘆𝗽𝗲𝗿𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻/𝗗𝗶𝗮𝗯𝗲𝘁𝗲𝘀, 𝟯𝟴 𝗱𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 cases, at nasa 𝟮𝟴𝟮 na ang nakapagpakonsulta para sa 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵.
𝑺𝒄𝒉𝒊𝒛𝒐𝒑𝒉𝒓𝒆𝒏𝒊𝒂, 𝒔𝒆𝒗𝒆𝒓𝒆 𝒅𝒆𝒑𝒓𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏, at 𝒃𝒊𝒑𝒐𝒍𝒂𝒓 𝒅𝒆𝒑𝒓𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 naman ang 𝗧𝗼𝗽 𝟯 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗶𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰 𝗗𝗶𝗮𝗴𝗻𝗼𝘀𝗶𝘀 sa Lungsod ng Calapan at nasa edad na 𝟮𝟬-𝟯𝟵 ang may pinakamataas na bilang ng mental health patients.
Upang mas mapaigting ang serbisyong pangkalusugan, tinutugunan na din ng Pamahalaang Lungsod ang pagdagdag ng mga gamot at bakuna, mga kagamitan, paggawa ng 𝗭𝗲𝗿𝗼 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, at mga pasilidad.