“Makaaasa po kayo, na kami sa Pamahalaang Lungsod ay mananatiling kaagapay ninyo sa pagnanais at pagpapanatiling ligtas ng ating mga mamamayang nasasakupan. Saludo po
ako sa inyong dedikasyon at pagbibigay ng serbisyong pusong totoo!” — ito ang naging laman ng mensahe ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo bilang panauhing pandangal sa ginanap na 33rd PNP Foundation Day Celebration sa PRO MIMAROPA, Parade Ground Camp BGen C. Navarro, Brgy. Suqui Calapan City Oriental Mindoro, Lunes ika 5 ng Pebrero.
Sa temang ” Serbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa, Tungo sa Maunlad at Ligtas na Bansa”, mainit na nakiisa ang Ina ng lungsod sa naturang aktibidad na pinangunahan naman ni Police Brigadier General Roger L Quesada, 𝑅𝑒𝑔𝑖𝑜𝑛𝑎𝑙 𝐷𝑖𝑟𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟 𝑜𝑓 𝑃𝑅𝑂 𝑀𝐼𝑀𝐴𝑅𝑂𝑃𝐴 katuwang ang Command Group, ilang Regional Staff, gayundin ang Chief Regional Support Units.
Mainit at lubos na suporta sa hanay ng kapulisan naman ang siyang ipinangako ni Mayor Malou sa mga naroroon. Aniya pa, isang maunlad at ligtas na lipunan para sa taumbayan ang layon ng kanyang administrasyon.
Naging bahagi rin ng nasabing selebrasyon ang pagbibigay pagkilala sa mga natatanging kapulisan na nagpamalas ng galing at dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Bilang pagtatapos ng aktibidad, nagsagawa ang PRO MIMAROPA ng Wreath-laying Ceremony sa Bantayog ng mga Bayani na matatagpuan sa Parade Ground Camp BGen C Navarro.
Nakiisa rin sa 33rd PNP Foundation Day Celebration si Konsehala Atty. Jel Magsuci, Regional Directors of Different Agencies, Members of the RAGPTD, Officer’s Ladies Club headed by Mrs. Liezel Quesada, Adviser PNP OLC, MIMAROPA at madami pang iba.