51st Nutrition Month Celebration – Cluster 1
Layon ni Calapan City Mayor Paulino Salvador “Doy” C. Leachon, na i-angat ang kalagayan ng nutrisyon at kalusugan ng buong kalungsuran. Naniniwala siya, na nararapat lamang na pahalagahan at alagaan ang mga taong nagbibigay kalinga sa mga mamamayan, kaya dumalo siya sa nasabing selebrasyon upang magkaroon ng pagkakataon na personal na makaharap ang ating ‘frontliners’ pagdating sa pagsisiguro ng maayos na kalusugan ng mamamayan sa bawat barangay sa Calapan.
Sa selebrasyon ng Cluster 1 ng Nutrition Month, naging highlight nila ang Lakbay Binhi, Nutri-Baon Challenge, at BNC Nutri-Hataw – na higit namang nagbigay sigla sa nasabing aktibidad. Kanya-kanyang hataw sa Zumba at sayaw, nagpabida sa mga inihandang masusustansyang pagkain at gawain, at masayang nag sama-sama para sa adhika ng isang mas malusog at maayos na bayan ng Calapan.
Ayon naman kay Dr. Basilisa M. Llanto – CHO, bawat isa mahalaga, kaya importante na lahat ay nagtutulungan at iisa ang landas na tinatahak, tungo sa mabuting kalagayan ng pangangatawan ng bawat mamamayan.
Dagdag pa ni Ms. Glenda M. Raquepo RN – City Nutrition Action Officer, makatitiyak ang Calapeño, na hindi titigil ang City Health and Sanitation Department na maging katuwang ng bawat isa, sa pagkamit ng isang Malusog na Bayan Sigurado!
#MalusognaBayanSigurad #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado