Bilang bahagi ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) ng BFAR, na naglalayong muling pasiglahin ang mga pinagkukunan ng likas-yamang pangisdaan at makatulong sa pagpaparami ng produksyon ng isda upang paunlarin ang kabuhayan ng ating mga mangingisda, Martes ika 15 ng Hulyo, isinagawa ang Fish Stock Enhancement Activity – Bangus fingerlings dispersal.
Para naman kay Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, ang mga ganitong uri ng aktibidad ay tunay na sinusuportahan ng kanyang administrasyon sapagkat ito ay nakatuon sa usaping food security at conserving biodiversity ng Calapan at maging ng buong lalawigan.
Sa Caluangan Lake, nasa mahigit kumulang 10,000 Bangus fingerlings ang pinakawalan sa nasabing lawa.
Ang mga bangus fingerlings ay pinagkaloob ng BFAR sa Calapan City FMO na pinamumunuan ni Mr. Wilfredo Landicho.
Tiniyak naman ni Mr. Stephen Advincula-BASIL Program Coordinator (BFAR) ang patuloy na pagsusumikap upang tugunan ang mga kahilingan ng mga mangingisda at maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Nakibahagi sa nasabing aktibidad sina Committee Chair on Fisheries Konsehala Genie Fortu, BLUE ALLIANCE, HAYUMA, Bantay Dagat at iba pa.
#BASILbfar #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado