Home / EVENTS / 2025 WORLD POPULATION DAY

2025 WORLD POPULATION DAY

Isa lamang ang teenage pregnancy sa mga seryosong isyu na nagdudulot ng negatibong epekto sa mga kabataan, kanilang pamilya, at lipunan. Ang pangunahing sanhi — kakulangan ng edukasyon sa reproductive health, peer pressure, at kawalan ng access sa mahahalagang kaalaman — dahil dito, maigting ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon pagdating sa maaaring solusyon sa suliraning ito. 

Katunayan, ika 15 ng Hulyo, sa Calapan City Convention Center, isinagawa ang 2025 WORLD POPULATION DAY

MEDIA FORUM Empowering Adolescents and Youth: Conversations on Reproductive Health and Informed Family Choices, na pinamahalaan nina Dr. Basilisa M. Llanto-City Health Officer at  Dr. Ma. Teresita N. Bolor – City Population Officer. 

Maswerte naman ang piling media practitioners na dumalo sa nasabing aktibidad, sapagkat si Mr. Reynaldo O. Wong – RD CPD MIMAROPA ang mismong nagtalakay at nagpabatid sa kanila ng mga mahahalagang impormasyon at paalala na naka angkla sa nabanggit na mga isyu. 

Ayon naman kay CA Angel M. Navarro, patuloy aniya ang adbokasiya ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon para sa mahusay na kapakanan ng mamamayan ng Calapan. Dagdag pa niya, naniniwala si Mayor Doy na ang kinakailangan ay komprehensibong solusyon mula sa pamahalaan at lipunan para lutasin at tuldukan ang problemang ito.

AWARENESS, EDUCATION, ACTION! 

#TaoAngPusoNgPagUnlad  #WPD2025  #cpdmimaropa #WorldPopulationDay2025 #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado

Tagged: