“Food at Nutrition Security Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin”
Layon ng selebrasyong ito na itaguyod ang mabuting kalusugan para sa bawat mamamayan ng Calapan, anumang edad, katayuan at estado sa buhay. Batay na rin sa temang “Sa PPAN, Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat”.
Partikular ang usapin ng malnutrisyon, kay Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon —aksyon agad na pagtugon!
Bilang pagdiriwang ng 51st Nutrition Month, samu’t saring aktibidad ang inihanda ng City Health and Sanitation Department, sa pangunguna ni Dr. Basilisa M. Llanto-City Health Officer at Nutrition Section para mas mahikayat ang mga Calapeño na pahalagahan at pangalagaan ang kanilang kalusugan. Ilan sa mga ito ay ang: Brgy. Chairperson Headdress Contest, Healthy Baon Challenge with Parent/Guardian, Vegetable Garden, Negosyo Caravan at iba pa.
Higit na naging matagumpay ang nasabing selebrasyon, sa pagdalo at pakikiisa ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Bim Ignacio, at ni 1st District Representative, Cong. Atty. Arnan C. Panaligan.
Samantala, inanyayahan rin ni Mayor Doy, ang lahat ng naroroon na aktibong makibahagi sa mga nakalatag na programang pangkalusugan at nutrisyon, ng Pamahalaang Lungsod.
#MalusogNaLungsod #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado