Isinagawa ang oryentasyon para sa Iskolar ng Bayan, Biyernes ika 4 ng Hulyo, sa Kalap Hall, na pinangasiwaan ng Calapan City Education Department sa pamumuno ni Education Officer Marvie D. Mañibo.
Mahahalagang paalala, hinggil sa mga responsibilidad at gampanin ng City Scholar, ang syang tinalakay sa nasabing oryentasyon.
Mainam ayon kay Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, na naaayon sa mahusay na pamantayan ang tinatahak ng bawat iskolar ng ating bayan.
Sumunod sa mga patakaran, maging mahusay at masipag na mag-aaral, tumugon sa mga naka-atang na responsibilidad — daan ito para mapalapit sa minimithing pangarap!
Magtutulungan at magkaakibat na tatahak ang Pamahalaang Lungsod at kabataang Calapeño, tungo sa pagtupad sa pangarap ng kabataan ng Calapan — sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon at mapagkalingang administrasyon.
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado







