Malaki ang ambag na naibibigay ng sektor ng agrikultura, kung ang pag-uusapan ay ang ‘food security’ at pagpapalago ng ating ekonomiya. Kaya naman sa pagbabalik serbisyo ni Punong Lungsod Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, isa sa kanyang tututukan ang sektor na ito.
Katunayan, isang pagpupulong ang agad niyang pinangunahan, Webes ika 10 ng Hulyo, sa Biga Demo Farm, kasama ang iba’t-ibang indibidwal, namiminuno, samahan at organisasyon, na naka angkla sa sektor ng agrikultura, dito sa lungsod ng Calapan.
Layon ni Mayor Doy sa pagpapatawag niya sa mga ito, ay upang magkaroon ng dayalogo sa kanilang pagitan, sa gayon ay mapag-usapan ang tungkulin at landas na tatahakin ng kanilang sektor, tungo sa mas maunlad, mayabong at masiglang agrikultura.
#BalikSiglaAgrikultura
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado
#MaaasahanBawatSalita








