Home / EVENTS / MAABILIDAD NA NEGOSYANTE, MALIKHAING CALAPEÑO! MSME WEEK 2025

MAABILIDAD NA NEGOSYANTE, MALIKHAING CALAPEÑO! MSME WEEK 2025

“Aasenso Negosyo, Angat Kabuhayan: Bagong Pilipinas!”

Itaguyod at suportahan ang mga maliliit at nagsisimulang negosyo sa lungsod ng Calapan. Upang lalong mapalakas at mapalago ang ekonomiya, gayundin tuloy-tuloy na makalikha ng trabaho para sa Calapeño. Ito ang nais ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, kaya mainit ang naging suporta niya sa MSME Week 2025.

Pinangunahan ito ng City Trade and Industry Department sa pamamahala ni Ms. Joanne Margaret Leynes CTID OIC, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).

Personal ding nakiisa si CA Angel M. Navarro na nagpahayag na nararapat lamang na maigting na suportahan at pahalagahan ang sektor na ito sapagkat mayroon itong malaking gampanin sa pagpapalago at recovery ng ating ekonomiya. Nakiisa din sa naturang aktibidad ang City Government Department Heads, OICs, Program Managers at Office Heads.

Maraming booth at local producers ang sumali at nagparticipate sa MSME Week na nag-ooffer ng iba’t-ibang produkto gaya ng pagkain, damit, diy accessories, books, mangyan products, fruits & vegetables (agri products), at madami pang iba.

ITAGUYOD ANG DIWA NG PAGNENEGOSYO — KAY MAYOR DOY, LOCAL ENTREPRENEURS PANALO!

#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado

Tagged: