“๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ก๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐, ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐! ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป, ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ป!” โ ito ang tema ngayon taon ng Nutrition Month Celebration. Sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department, sa pamumuno ni Dr. Basilisa M. Llanto-CHO, naging kick-off ng selebrasyon ngayong taon ang isinagawang Let’s Walk for F. A. N โ Lakad Adbokasiya.
Pinasimulan ang nasabing aktibidad sa isang pampagising na Zumba Dance, at matapos ay pinasundan na agad ito ng Walk for F. A. N patungo sa Calapan City Plaza Pavilion at doon isinagawa ang maikling programa, na dinaluhan ng ilan pang key persons mula sa City Health and Sanitation Department at City Nutrition Office.
Higit na naging matagumpay ang naturang launching sapagkat umpisa pa lamang ay malinaw na ang ipinabatid na suporta ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio pagdating sa usaping pangkalusugan at malusog na pangangatawan at isipan ng mga mamamayan ng Calapan.
Pasasalamat naman ang ipinaaabot ng CHSD sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng suporta sa kanilang aktibidad. Tunay naman anilang, higit na mas masaya ang magpasigla ng katawan, kung tayo ay sama-sama at may iisang nais makamtan โ ang mas healthy na Calapan!
MAUNLAD NA LUNGSOD โ RESULTA KAPAG CALAPEรO AY AKTIBO AT MALUSOG! ๐งก
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado








