Home / EVENTS / CITY COLLEGE OF CALAPAN – Catalyst of Change, 14TH COMMENCEMENT EXERCISES

CITY COLLEGE OF CALAPAN – Catalyst of Change, 14TH COMMENCEMENT EXERCISES

EDUKASYON. Isa sa mga pangunahing karapatan ng bawat mamamayan, ngunit sa hirap ng buhay – hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon at oportunidad para maranasan ito.

Sa lungsod ng Calapan, masuwerteng maituturing ang mga kabataan sapagkat ang Pamahalaang Lungsod ay mainit ang pagtutok sa kapakanan ng mga nagsusumikap na mag-aaral.

Biyernes, ika 4 ng Hulyo, sa Calapan City Convention Center, isinagawa ang Calapan City College 14th Commencement Exercises.

Nasa mahigit kumulang 608 na mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan ang napagtagumpayan ang kanilang pag-aaral at siya ngayong magsisipagtapos.

Ayon kay Dr. Ronald Cantos – City College Administrator, maipagmamalaki nilang tunay ang produkto ng kanilang institusyon —  mga kabataang handa at matatag sa anuman hamon ng panahon.

Sa mensahe naman ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, sa kanyang nagbabalik na administrasyon, bukas at malawak ang pagkakataon at oportunidad para sa lahat ng kabataang nagnanais at nagpupursigeng makapag-aral.

Tunay namang ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang susi, para sa isang mas matatag at mas makulay na buhay. Lalong higit, susi sa pinto ng pag-asa para sa isang mas maunlad at matiwasay na hinaharap.

Ang naturang 14th Commencement Exercises ay lalong napatingkad dahil sa pagdalo ng pili at mahahalagang indibidwal mula sa iba’t-ibang opisina, departamento, ahensya at organisasyon, na kabilang sa katagumpayan ng mga nagsipagtapos.

DE-KALIBRENG EDUKASYON — PRAYORIDAD NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON

#AksyonAgadII

#MaayosnaBayanSigurado

Tagged: