Sa unang araw ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, agad niyang tinutukan ang pagbabalik kaayusan at disiplina sa lungsod ng calapan.
Ito ay umpisa ng pagtupad sa pangako ng kanyang administrasyon sa mga Calapeño — isang maayos na bayan sigurado!
Personal na pinangunahan ni Mayor Doy ang linis lungsod, unang araw ng Hulyo, kasama sina CDRRM officer Dennis Escosora, CENRD officer Willy Landicho, at PSD officer (ret.) Police Major Ermin Cabanding.
Inikot at sinuri ni Mayor Doy ang pisikal na kalagayan, lalong higit ang estadong pangkalinisan ng kahabaan ng JP Rizal st. Hanggang Brgy. Sta. Isabel.
Naniniwala po si Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, na ang lungsod na disiplinado — siguradong aasenso!
#AksyonAgadII
#MaayosnaBayanSigurado