Home / NEWS / 3RD QUARTER CITY DRRM COUNCIL MEETING

3RD QUARTER CITY DRRM COUNCIL MEETING

MATATAG NA KOMUNIDAD — LUMALABAN AT BUMABANGON SA GITNA NG KALAMIDAD

Kaalaman, kahandaan, agarang responde at katatagang bumangon at muling magpatuloy.

Ilan lamang ito sa puntos na binigyang diin ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon, sa kanyang pagdalo sa CDRRM  meeting, sa unang araw ng kanyang pagbabalik serbisyo.

Pinangunahan ni DRRM Officer Dennis Escosora ang naturang pagpupulong na kinapalooban naman ng mga usapin gaya ng Weather Outlook para sa buwan ng Hulyo, Re organization ng CDRRM Council, iba’t-ibang DRRM Resolutions, ang nalalapit na pagdiriwang ng  National Disaster Resilience Month, at ilan pang mahahalagang isyu pagdating sa kaligtasan ng buong kalungsuran.

Target ni Mayor Doy, na maitaas ang kamalayan ng mga mamamayan ng Calapan pagdating sa banta ng iba’t-ibang sakuna o kalamidad. Layon niyang paigtingin ang kahandaan ng pamahalaan, mas patatagin ang komunidad, at isulong ang mainit na kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ng Calapan.

Dapat siguradong ligtas ang mga Calapeño!

#AksyonAgadII

#MaayosnaBayanSigurado

Tagged: