Kakaiba at di pangkaraniwang konsyerto ang naranasan ng mga Calapeño sa mismong araw ng kapistahan ng lungsod ng Calapan na 𝑺𝒕𝒐. 𝑵𝒊𝒏̃𝒐 𝒅𝒆 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑭𝒆𝒔𝒕𝒊𝒗𝒂𝒍 2024.
Sa pakikipagtuwang ni 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝘃𝗲𝗻 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗻𝗼, 𝑪𝑬𝑶/𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 – 𝑹𝒂𝒃𝒊𝒏𝒐 𝑯𝒐𝒎𝒆 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒆𝒓𝒔 𝑪𝒐𝒓𝒑𝒐𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay matagumpay na naisakatuparan ang 𝑭𝒊𝒓𝒔𝒕 𝑯𝒚𝒅𝒓𝒐 𝑷𝒂𝒓𝒕𝒚 sa OMNHS Open Ground, Enero 1, 2024.
Jam-packed ang performances na hatid ng mga mahuhusay na artists mula sa Maynila gayundin ang mga performers na tubong-Calapan. Sa umpisa pa lamang ay naaliw na ang mga manunuod dahil sa pagtatanghal na hatid ng local performers na kinabibilangan ng Calapan Rookies, TYR1 and BLU X, Elbitz, Dirtkruz One, Pop Corn Band, Kidz Can Tell at Izay Band
Lalo pang dumagsa ang mga manunuod nang mag-umpisang magtanghal ang mga sikat na rappers na sina Issa Lo Ki at kiyo na talaga namang nagpagising sa mga kabataang manonood.
Sa pag-akyat sa entablado ng Gen Z Idol na si Flow G ay hindi na nakapagpigil ang mga kabataan na sabayan ng malalakas na sigawan na may kasama pang yugyugan ang bawat pagtatanghal habang tuluy-tuloy ang pagbuhos ng tubig mula sa fire truck ng CDRRMD.
𝑾𝒆𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒘𝒊𝒍𝒅, nabasa man subalit hindi pa rin magpaawat ang mga kabataan sa pagsasaya sa first ever hydro party sa Calapan City. Si Mr. Orven Rabino, bilang siyang Hermano Mayor ng kapistahan ngayong taon kasama ang kanyang pamilya ay naroon upang makisaya sa kapwa niya Calapeño.
Ang Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo ay dumalo din sa nasabing konsyerto upang kanyang maipadama ang kagalakan na makitang sama-samang nagsasaya ang kanyang mga anak na Calapeño. Aniya ang ganitong okasyon ay bahagi ng pagsasakatuparan ng kanyang pangarap na muling maibalik ang saya at sigla sa lungsod. Hindi rin niya nakalimutang magpaabot ng pasasalamat kay Mr. Rabino na siyang nag-sponsor ng event.
Walang humpay na upbeat music naman ang hatid ng dalawang DJ’s na sina 𝗗𝗝 𝗥𝗮𝘇𝗶𝗸𝘆𝗹𝗲 at 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗕𝗲𝗮𝘁𝘀 habang walang humpay din ang kanya-kanyang indakan sa ilalim ng malakas na pagbuga ng tubig.
Bukod sa kakaibang kasiyahang hatid ng nasabing hydro party ay lubos na tuwa ang naramdaman ng mga maswerteng nanalo ng brand-new motorcycle sa pa-raffle. May tatlong mapapalad na bumili ng raffle ticket ang nakapag-uwi ng Yamaha Mio i 125 (2nd prize), Suzuki Raider 150 (1st prize), at Yamaha NMAX.