Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
16th Buntis Congress Super momshies | Buntis ay unahin, nutrisyong TAMA sa isang libong araw – Calapan City Official Website

16th Buntis Congress Super momshies | Buntis ay unahin, nutrisyong TAMA sa isang libong araw

Naghatid ng saya, kaalaman at serbisyo publiko sa halos 𝟯𝟬𝟬 pregnant and lactating momshies ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗗𝗿. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 – 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, huling araw ng Agosto sa Nuciti Mall Activity Area sa isinagawang 𝗕𝘂𝗻𝘁𝗶𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀.

Atensyon at kaalamang TAMA, na magreresulta sa malusog at ligtas na kalagayan ng bawat ina at kanilang sanggol na nasa sinapupunan — ito naman ang naging punto ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa kanyang ibinahaging mensahe. Dagdag pa ng Alkalde, hangad niya na tuluyan ng maiwasan ng bawat bata at momshies ang panganib na kakambal ng kanilang kalagayan.

Tunay na mapalad naman ang mga naroroon sa nasabing Buntis Congress sapagkat naging makabuluhan at siksik ang talakayan at testimonial na kinapalooban ng mga topics gaya ng 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝑷𝒓𝒆𝒈𝒏𝒂𝒏𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝑵𝒆𝒘 𝑴𝒐𝒎𝒔 𝒔𝒉𝒐𝒖𝒍𝒅 𝑲𝒏𝒐𝒘 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝑶𝒓𝒂𝒍 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉, 𝑩𝒓𝒆𝒂𝒔𝒕𝒇𝒆𝒆𝒅𝒊𝒏𝒈, 𝑹𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝑷𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒉𝒐𝒐𝒅 𝒂𝒏𝒅 𝑭𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 at 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝑷𝒓𝒆𝒈𝒏𝒂𝒏𝒄𝒚, na ibinahagi ng piling speakers na kinabibilangan naman nina 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗱𝗶𝗰𝗸 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘆 – 𝐷𝑀𝐷 𝑂𝑀𝐷𝐶 𝑃𝑟𝑒𝑠𝑖𝑑𝑒𝑛𝑡, 𝗠𝘀. 𝗦𝗵𝗮𝗿𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀 𝑅𝑁𝐷 𝑁𝑢𝑡𝑟𝑖𝑡𝑖𝑜𝑛𝑖𝑠𝑡 𝐼, at 𝗝𝗮𝗰𝗸𝗶𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗕𝗮𝗯𝗲𝘀 𝗗𝗶𝗹𝗼𝗱𝗶𝗹𝗼 𝐹𝑜𝑢𝑛𝑑𝑒𝑟 𝑃𝑎𝑑𝑒𝑑𝑒 𝑀𝑜𝑚𝑠 𝑜𝑓 𝑂𝑟𝑖𝑒𝑛𝑡𝑎𝑙 𝑀𝑖𝑛𝑑𝑜𝑟𝑜.

Pagpapahalaga sa kalusugan ng bawat mommy, para sa kaligtasan ni baby — ito naman ang binigyang diin ni Dr. Llanto sa kanyang ibinahaging mensahe. Samantala, ayon naman kay 𝗗𝗿. 𝗠𝗮. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗡. 𝗕𝗼𝗹𝗼𝗿 𝑅𝐻𝑃/𝐶𝑖𝑡𝑦 𝑃𝑜𝑝𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑑 𝐷𝑒𝑣𝑒𝑙𝑜𝑝𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟-𝑑𝑒𝑠𝑖𝑔𝑛𝑎𝑡𝑒, “𝑩𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒃𝒖𝒌𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊, 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆 𝒂𝒚 𝒂𝒃𝒂𝒍𝒂 𝒅𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂, 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒂𝒓𝒊𝒕𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒉𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒃𝒖𝒍𝒖𝒉𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒑𝒔 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂”.

Personal ding nakiisa si 𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝒉𝒂𝒍𝒂 𝑨𝒃𝒐𝑮𝒂𝒏𝒅𝒂 Atty. Jel Magsuci sa nasabing Buntis Congress na nagbahagi naman ng kanyang personal na karanasan bilang isang ina.

Samantala, ikinagalak din ng bawat momshies ang 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓𝒚 𝑩𝒖𝒏𝒕𝒊𝒔 𝑷𝒂𝒄𝒌𝒂𝒈𝒆 𝑪𝒐𝒖𝒑𝒐𝒏 at 𝑶𝒓𝒂𝒍 𝑷𝒓𝒐𝒑𝒉𝒚𝒍𝒂𝒙𝒊𝒔 𝑪𝒐𝒖𝒑𝒐𝒏 gayundin ang 𝑵𝑫𝑺𝑷 𝒇𝒐𝒐𝒅 𝒑𝒂𝒄𝒌𝒔 at 𝒃𝒖𝒏𝒕𝒊𝒔 𝒌𝒊𝒕𝒔 na kanilang natanggap mula sa pamahalaang lungsod.

Dedikasyon at kagustuhang makapaghandog ng kalingang may puso, ito ang nagtulak sa ating mga city doctors at city dentists sa patuloy na pagsasagawa ng mga programang gaya nito na tunay namang para sa pangkabuoang kalusugan ng taumbayan.

Naging highlight din ng 𝗕𝘂𝗻𝘁𝗶𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯 ang isinagawang 𝑺𝑨𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵𝑮 𝑯𝑨𝑲𝑨𝑩 na hakbang upang maimulat ang bawat isa ng kahalagahan ng breastfeeding.