Nasa kabuuang 𝟯𝟯𝟯 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗽 𝟯,𝟬𝟬𝟬 sa isinagawang 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑨𝑰𝑪𝑺) 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕 para sa mga Calapeño, ginanap sa City Mall Activity Center, Brgy. Ilaya, Lungsod ng Calapan, nitong ika-27 ng Setyembre.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, katuwang ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, matagumpay na naibaba ang tulong pinansiyal sa mga Calapeño na mula sa iba’t ibang sektor, kung saan karamihan sa mga ito ay nabibilang sa 𝑭𝒊𝒔𝒉𝒆𝒓𝒇𝒐𝒍𝒌𝒔 at 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑫𝒊𝒔𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒕𝒚 (𝑷𝑾𝑫).
Ang nasabing AICS Payout ay naisakatuparan dahil sa P1 milyong pondong handog ni Ang Supremo Senador Lito Lapid, para sa mga mamamayan ng Calapan na siyang bunga ng pagsusumikap ni Mayor Malou Morillo sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa opisina ng Senador.
Samantala, naging bahagi rin ng aktibidad na ito ang tubong Calapan na si 𝗠𝗿. 𝗘𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘁𝗮𝘆𝗮 na ipinadala bilang kinatawan ni Sen. Lapid, para personal na saksihan ang naturang aktibidad.
Lubos namang nagpapasalamat ang Ina ng Lungsod sa tulong na inihandog ng Senador at sa DSWD, gayundin, hangad ni Mayor Morillo na patuloy siyang pagkatiwalaan at suportahan para sa mga proyekto at programang isinusulong niya para sa kapakanan ng Lungsod ng Calapan.