“𝑺𝒂𝒍𝒖𝒅𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒐𝒍𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒎𝒂𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑 𝒕𝒖𝒎𝒊𝒏𝒅𝒊𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒊𝒚𝒐𝒏, 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒊𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂, 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒂𝒈𝒖𝒚𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂” — City Mayor Marilou Flores-Morillo
Personal na dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang isinagawang “𝒁𝒖𝒎𝒃𝒂𝒍𝒊𝒈𝒔𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑺𝒐𝒍𝒐 𝑷𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏”, bilang bahagi ng pagdiriwang, para sa 𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗗𝗮𝘆, ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-18 ng Nobyembre.
Buong galak na binisita ng Punong Lungsod ng Calapan ang hindi bababa sa isandaang (100) solo parents na masaya at aktibong nakilahok sa naturang makabuluhang Zumbaligsahan.
Dito ay nakadaupang-palad ni Mayor Morillo sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂 at 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, gayundin ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na nangasiwa sa nasabing aktibidad na mula sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.
Ang gawaing ito ay naglalayong pahalagahan ang mga solo parent ng Lungsod ng Calapan na nag-iisang bumabalikat, para sa kapakanan ng kanilang mga anak, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na mapanatiling nasa maayos na kalagayan ang kanilang kalusugang pisikal at mental