Youth DRRM Forum

Binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang mga Sangguniang Kabataan Chairman & Councilor mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng

Calapan na lumahok sa isinagawang “Youth DRRM Forum” na ginanap sa Calapan Nature Park Bulusan, Calapan City, nitong ika-20 ng Hulyo, bilang bahagi ng idinaraos na “National Disaster Resilience Month 2024”, kung saan naisakatuparan ang nasabing aktibidad, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng Cdrrmd, Calapan Mindoro, sa pamumuno ni City DRRM Officer, Mr. Dennis T. Escosora, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation, sa pamumuno ni SK Federation President, Hon. Deo P. Lopez.