Ang SMARTT ay isang Community-Based Sustainable Tourism Organization, na nagsisikap na isulong at palakasin ang turismo sa Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng kaloob nilang magaganda at kakaibang karanasan, katulad ng Floating Cottages, Kayaking, at Stand-up Puddle boarding sa Caluangan Lake, kaya naman makatutulong ang bagong gawang gusali, bilang suporta sa pagpapatibay ng turismo. Dagdag pa rito, pasok din sa hapag ng Calapeñong Pilipino ang handog nilang fresh seafood delicacies, kung saan ang samahan ay gumagawa rin ng mga handcrafted na bagay mula sa mga seashell, kabilang ang Lukan, Baruy, at Sulayao (Capiz), na nagpapakita ng pagkamalikhain at pagiging maparaan ng komunidad.