Bilang panauhing pandangal, nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa isinagawang aktibidad ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗮𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, para sa selebrasyon ng 𝑯𝑴 & 𝑻𝑴 𝑾𝒆𝒆𝒌 na bahagi rin ng pagdiriwang para sa “𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑫𝒂𝒚 2023” na nakaangkala sa temang “𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒂𝒏𝒅 𝑮𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑰𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔” na ginanap sa Kalap Court, City Hall, nitong ika-27 ng Setyembre.
Nakasama ng butihing Ina ng Lungsod sa makabuluhang gawaing ito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗙. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝗹 𝗕. 𝗦𝘂𝗽𝗻𝗲𝘁, 𝗗𝗣𝗔 (𝗗𝗲𝗮𝗻 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁), 𝗠𝗿. 𝗝𝗵𝗼𝗽𝗲𝘁 𝗖. 𝗢𝘀𝗼𝗿𝗶𝗼, 𝗟𝗣𝗧, 𝗠𝗜𝗛𝗠 (𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗕𝗦 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗕𝗦 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁), at ang ilan sa mga guro, gayundin ang nasa mahigit 1,261 na mag-aaral mula sa BSHM at BSTM.
“𝑻𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓, 𝒍𝒆𝒕 𝒖𝒔 𝒃𝒖𝒊𝒍𝒅 𝒂 𝒋𝒖𝒔𝒕, 𝒍𝒊𝒗𝒂𝒃𝒍𝒆, 𝒂𝒏𝒅 𝒓𝒆𝒔𝒊𝒍𝒊𝒆𝒏𝒕 𝒄𝒊𝒕𝒚 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒓𝒆𝒅𝒖𝒄𝒆𝒔 𝒄𝒂𝒓𝒃𝒐𝒏 𝒆𝒎𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏𝒔, 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒓𝒂𝒍 𝒓𝒆𝒔𝒐𝒖𝒓𝒄𝒆𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒎𝒑𝒓𝒐𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒒𝒖𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝒍𝒊𝒇𝒆 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒃𝒆𝒍𝒐𝒗𝒆𝒅 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐𝒔, 𝒍𝒆𝒕 𝒖𝒔 𝒊𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕 𝒊𝒏 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆, 𝒊𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕 𝒊𝒏 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒍𝒂𝒏𝒆𝒕, 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒏𝒗𝒆𝒔𝒕 𝒊𝒏 𝒑𝒓𝒐𝒔𝒑𝒆𝒓𝒊𝒕𝒚!” — City Mayor Marilou Flores-Morillo
Dagdag pa rito, hinihikayat din ng butihing Alkalde ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti at hasain ang kanilang mga kakayahan, sapagkat sila ang henerasyon na magpapatuloy ng kanilang mga magagandang nasimulan sa Lungsod ng Calapan.