Isinagawa mula ika-7 hanggang ika-8 ng Disyembre ang 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒎𝒐𝒌𝒆-𝑭𝒓𝒆𝒆 𝑶𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑪𝒓𝒂𝒇𝒕𝒊𝒏𝒈 na dinaluhan ng iba’t ibang ahensiya, mga hepe ng departamento ng Pamahalaang Lungsod, SK Chairpersons, at mga organisasyon sa NutriTECH Hotels and Events.
Ito ay sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗴𝗲𝗹𝗶𝗼 𝗠. 𝗜𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻 — 𝑻𝒆𝒄𝒉𝒏𝒊𝒄𝒂𝒍 𝑳𝒆𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝑺𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒓𝒂𝒍 𝑳𝒖𝒛𝒐𝒏 𝑪𝒐𝒏𝒇𝒆𝒓𝒆𝒏𝒄𝒆 na siyang katuwang ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 upang maisakatuparan ang pagiging 𝒔𝒎𝒐𝒌𝒆-𝒇𝒓𝒆𝒆 𝒄𝒊𝒕𝒚 ng Calapan.
Ayon sa survey na isinagawa sa Calapan at ipinrisinta noon ni Dr. Ilagan, 𝟳𝟮% na mga smoker respondents ang nagsabi na nais nilang matuldukan ang kanilang paninigarilyo. Kung kaya naman naging masigasig ang Pamahalaang Lungsod upang matugunan ito.
Layunin naman ng pagsasanay na ito ang makabuo ng 𝑺𝒎𝒐𝒌𝒆 𝑭𝒓𝒆𝒆 𝑷𝒐𝒍𝒊𝒄𝒚 sa tulong na din ng mga resource speakers mula sa 𝗦𝗖𝗟𝗖 at sa 𝗠𝗠𝗗𝗔.
Upang pagtibayin naman ang partnership sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at ng SCLC, nagkaroon din ng signing of 𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒂𝒏𝒅𝒖𝒎 𝒐𝒇 𝑼𝒏𝒅𝒆𝒓𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 nitong ika-8 ng Disyembre.
Para sa Punong Lungsod, mahalaga na mapagtuunan ng pansin ang isyung ito lalo na’t kung makabubuti naman sa kalusugan at sa kapakanan ng mga Calapeño.
Kaugnay nito, magkakaroon din ng Counselling Skills Training sa Calapan City Hall sa darating na ika-9 ng Disyembre.