Kaugnay ng malawakang pagpapatupad ng mandated price ceiling na nakapailalim at nakasaad sa 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟯𝟵, 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟯, ika 20 ng Setyembre taong kasalukuyan, natanggap na ang 16 na kwalipikadong rice retailers ng kanilang financial assistance na nagkakahalaga ng 𝗣𝟭𝟱,𝟬𝟬𝟬 mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (DSWS).
Matapos ang masusing monitoring, data gathering at akmang profiling, natukoy ang unang 16 na rice retailers mula sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 na napabilang sa 𝑫𝑺𝑾𝑫 𝑭𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑸𝒖𝒂𝒍𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝑹𝒊𝒄𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒂𝒊𝒍𝒆𝒓𝒔 𝒊𝒏 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐.
Siniguro naman ng Ina ng Lungsod — 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na pakikinggan ng kasalukuyang administrasyon ang hinaing ng mga apektadong rice retailer sa gitna ng pagpapatupad ng rice price ceilings.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Alkalde sa mga rice retailers sa kanilang pang-unawa at kooperasyon sa pagiging bahagi ng solusyon sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Pinangunahan naman ni 𝑪𝒉𝒊𝒆𝒇 𝒐𝒇 𝑺𝒕𝒂𝒇𝒇 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗘. 𝗛𝘂𝘁𝗮𝗹𝗹𝗮, 𝑪𝑬𝑺𝑶 𝑽
𝑫𝑻𝑰 𝑷𝑫, 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗻𝗮 𝗔. 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀 mula sa 𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗠𝘀. 𝗦𝗲𝘃𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗚. 𝗕𝗼𝗼𝗻𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 mula naman sa 𝑫𝑺𝑾𝑫 at gayundin ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇 na kinatawan naman mula sa 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆 at ni 𝑪𝑬𝑬𝑫 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑯𝒆𝒂𝒅 𝗘𝗻𝗣. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ang naturang pamamahagi ng nasabing financial assistance.
Inaprubahan ni Pangulong Marcos ang EO 39, batay sa rekomendasyon ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲.
Ang itinakdang price ceiling — P41 kada kilo para sa regular milled rice at P45 kada kilo para sa well-milled rice ay nagkabisa noong Setyembre 5, 2023.