Ulat sa Lalawigan 2024

Dumalo at nagpakita ng pagsuporta si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na “Ulat sa Lalawigan 2024” na matagumpay na

naisakatuparan sa pangunguna nina Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor at Vice Governor Hon. Ejay L. Falcon na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Lungsod ng Calapan, nitong ika-16 ng Hulyo.

Tinalakay sa nasabing pag-uulat ang mga napagtagumpayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng administrasyong Dolor at Falcon na tunay na nakapag-ambag ng malaki para sa patuloy na kaunlaran at para sa ikabubuti ng kapakanan ng mga mamamayang Mindoreno mula sa iba’t ibang sektor sa buong lalawigan, gayundin ang mga naging aksyon at pagtugon nila para resolbahin ang mga suliraning kinaharap ng lalawigan sa panahon ng kanilang panunungkulan.