Bilang tugon sa malnutrisyon, isa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa nakiisa sa paglulunsad ng programang 𝑻𝒖𝒕𝒐𝒌 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈𝒂 𝑺𝒖𝒑𝒑𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝑭𝒆𝒆𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒐𝒓 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍𝒍𝒚 𝑨𝒕 𝑹𝒊𝒔𝒌 𝑷𝒓𝒆𝒈𝒏𝒂𝒏𝒕 𝑴𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔. Ito ay sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 sa pamumuno nina 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 at 𝗠𝘀. 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗠. 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼, 𝗥𝗡.
Tuwing Huwebes ay binibisita ng City Nutrition Section ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻 — na siyang may mataas na kaso ng teenage pregnancy, upang ibahagi ang food commodities para sa kanila. Kabilang sa mga ibinibigay ay mga itlog, nutribun, at gatas.
Kasabay nito itinuturo ng mga Barangay Nutrition Scholars ang kahalagahan ng pagpapasuso at iba pang dapat malaman upang maging malusog ang mag-ina.
Gayundin, sinisiguro ng City Nutrition Section na naipapatupad ang feeding program para sa mga bata na inihahanda naman ng Sangguniang Barangay.