Dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama sina City Councilor Atty. Jel Magsuci sa isinagawang oryentasyon,
para sa 842 na benepisyaryo ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers), ginanap sa Calapan City Plaza Pavilion, nitong ika-3 ng Hulyo.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga Calapenong walang pinagkakakitaan, kung saan P5,925.00 ang inaasahan na matatanggap nila sa loob ng labinlimang (15) araw na pagtatrabaho sa kanilang barangay na hindi lalampas sa walong oras.
Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pangunguna ni Mr. Ramezes Torres (Sr. Labor and Employment Officer), at Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Public Employment and Service Office (P.E.S.O.), sa pamumuno ni Dr. Eder Apolinar M. Redublo (City P.E.S.O. Manager).
Samantala, dumating din sa nasabing aktibidad sina Ms. Agatha Ilano, Former City Councilor Ms. Mylene De Jesus, at Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns).