Bilang paghahanda sa pagpapaunlad pa lalo ng Lungsod ng Calapan, nagkaroon ng pagpupulong si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗡𝗘𝗗𝗔) 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, sa pangunguna ni 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗖. 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮, ika-9 ng Mayo.
Dito ay tinalakay nina RD Mendoza at ng kaniyang mga kasamahan sa NEDA MIMAROPA ang mga prayoridad na proyekto para sa Lungsod ng Calapan.
Kabilang na nga dito ang pagpapatayo ng 𝗔𝗴𝗿𝗼-𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗿𝗺𝗶𝗻𝗮𝗹, 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺, 𝗙𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗶𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, at 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿.
Ang mga nabanggit na proyekto ay nakapaloob sa 𝑴𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑷𝒍𝒂𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑼𝒓𝒃𝒂𝒏 𝑰𝒏𝒇𝒓𝒂𝒔𝒕𝒓𝒖𝒄𝒕𝒖𝒓𝒆 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒊𝒏 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚 na ginawa noong Agosto 2020.
Kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, naipaliwanag naman nina Mayor Morillo ang ilan sa mga dapat isaalang-alang tulad ng lokasyon na pagtatayuan ng mga imprastraktura, at ang maaring pang gawin ng Pamahalaang Lungsod.





