Patuloy na pagbibigay ng oportunidad sa desenteng hanapbuhay ang alay ng kasalukuyang administrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 para sa Calapeño.
Sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗜𝗹𝗮𝘆𝗮, Calapan City, may labing isang (11) miyembro ng samahan ng kababaihan ang matagumpay na nakapagtapos sa 𝑮𝒂𝒓𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔 𝑷𝒓𝒐𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 na pinangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa ilalim ng 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 (𝗠.𝗔.𝗟.𝗢.𝗨) Program, isinagawa sa Ilaya Barangay Hall, Nobyembre 28, 29, at 30, 2023.
Sa kanilang pagtatapos ay taas-noong ipinagmamalaki ng mga benipisyaryo ng programa na sila ngayon ay hindi na simpleng mga babae at Ina ng tahanan lamang, dahil marunong na silang kumita ng pera at makapag-ambag sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng kanilang tagapagsanay na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇, ay natuto silang gumawa ng kurtina, apron, bed sheet, at iba’t ibang uri ng bag (loot bag, sling bag, beach bag). Sa huling araw ng pagsasanay ay naging panauhing tagapagsalita si 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 – 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿. Dito ay kanyang ipinarating ang pagsuporta ni Mayor Malou sa mga kababaihan ng Ilaya. Kanya ring ipinaabot pasasalamat sa Sangguniang Barangay na patuloy na yumayakap sa mga programa at proyektong ibinababa ng pamahalaang lungsod.
Ipinayo din niya sa mga benipisyaryo na sana ay huwag sayangin ang magandang oportunidad, bagkus ay pagyamanin at palaguin ang puhunan na kanilang natanggap.
Ang CTID aniya ay palaging nakaalalay upang gawing organisado ang samahan gayundin ay upang matulungan sila na maibenta sa merkado ang kanilang mga gawang produkto.
Itinuturing naman ni 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀𝗮 𝗡𝗮𝗿𝘀𝗼𝗹𝗲𝘀, na malaking biyaya ang programang ito, tinatanaw niya ang positibong hinahararap na kikilalanin ang kanilang lugar bilang prodyuser ng maganda at matibay na bag.
Aniya pa, ito ay umpisa pa lamang ng maayos na ugnayan ng Barangay Ilaya at ng pamahalaang lungsod. Naroon din upang makiisa sa nasabing aktibidad ang nakababatang kapatid ni Mayor Malou na si 𝗧𝗶𝘁𝗮 ‘𝗜𝘀𝗮𝘆’ 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗦𝘆, 𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀 at 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗹𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗖𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁-𝗛𝗼𝘀𝗵𝗶𝗻𝗮, 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁.
Pormal na ring ipinagkaloob sa samahan sa pamamagitan ng pamunuan ng Barangay Ilaya ang start-up kit mula sa City Government na kinapapalooban ng 𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 (𝟱) 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿 𝘀𝗲𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗰𝗵𝗶𝗻𝗲, mga tela at iba pang kagamitan sa pananahi na ang kabuuang halaga ay aabot sa 𝗣𝟴𝟴,𝟬𝟬𝟬,𝟬𝟬.
Dahil nasiyahan ang kanilang trainer na si 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇 sa dedikasyon na matuto ang kanyang mga estudyante ay nagkaloob ito ng special prizes sa mga pinakamahusay at pinakamabilis matuto.