TUGON SA KAHIRAPAN, TULONG KABUHAYAN

Upang mas mapahusay ang pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan, na siyang magtitiyak na mas marami pang taumbayan ang ating

matutulungan, kamakailan ay isinagawa ang MOA Signing sa pagitan ng City Government of Calapan, DOLE MIMAROPA at Calapan City Peso, na naglalaman ng kasunduang pagbababa ng DILP (DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM) sa ating lungsod.
Sa ilalim ng DILP, ang mga indibidwal o grupo na magiging benepisyaryo ay mabibigyan ng puhunan sa pamamagitan ng mga materyales, kagamitan, kasangkapan, at mga pasilidad. Bibigyan din sila ng personal protective equipment at micro-insurance, mga seminar tungkol sa basic occupational safety and health at emergency first-aid, at iba’t ibang pagsasanay sa productivity at entrepreneurship upang matiyak na mapapanatili nila ang kanilang proyektong pangkabuhayan.
Naging matagumpay ang nasabing MOA Signing sa pangunguna na rin ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo, DOLE MIMAROPA Regional Director Naomi Lyn Abellana, DOLE Provincial Director Roderick F. Tamacay, Senior Labor and Employment Officer Ramezes Torres at Calapan City PESO Program Manager Dr. Eder Apolinar M Redublo.
Bilang tagapamahala ng programang DILP, magbubuo ang Pamahalaang Lungsod ng Project Management Team, katuwang pa rin ang DOLE MIMAROPA at Calapan City PESO.