October 11,2022, City Health Services Department Building, New City Hall Complex
Inilunsad ng DOH- Center for Health Development MIMAROPA Nutrition Unit ang pagsasanay sa Maternal Nutrition gayundin ang Infant and Young Child Feeding para sa mga Health and Nutrition Workers ng Lungsod ng Calapan sa pakikipagtuwang sa City Health and Sanitation Department.
Kasama sa mga naging facilitators sa nasabing pagsasanay ay ang mga personnel mula sa DOH-CHD MIMAROPA sa pangunguna ni Mr. Mark Angelo Lorenzo, Regional Nutrition Program Manager kasama sina Ms. Azalea Malabana at Mr. John Percy Pol.
Mula naman sa Provincial Department of Health Office (PDOHO) ay naging tagapagsanay din sina Ms. Jabs Valencia at Ms. Rhovel Ann Laguerta.
May 43 na partisipante mula sa City Health and Sanitation Department na kinabibilangan ng apat na doctors, 11 nurses, 24 midwives at apat na nutrition staff na sa loob ng tatlong araw (October 10-13) ay sumailalim sa karagdagang pagsasanay.
Ilan sa mga modules na nakapaloob dito ay ang Importance of the Health and Nutrition of the Mother and Child in the First 1000 Days; Maternal Health Nutrition; Recommended IYCF Practices: Breast Feeding; MNIYCN-Related Policies; How to Counsel on Maternal, Infant, and Young Child Nutrition; Recommended IYCF Practices: Complementary Feeding for Infants and Young Children; IYCF in the Context of Emergencies, HIV and Other Infectious Diseases; Child Health Development and Nutrition; Behaviour Change Activities; Community Organizing and Supportive Supervision.
Si City Mayor Malou Flores-Morillo bilang Chairman ng City Nutrition Council ay dumalo sa okasyon upang ipahayag ang kanyang buong pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa mga CalapeƱo. Kanyang pinasalamatan ang mga health and nutrition workers na na aniya’y matapang at buong-pusong nagserbisyo sa kabila ng banta ng panganib na hatid ng naranasang pandemya.




