Pinangasiwaan ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 ang pagsasagawa ng 𝟯-𝗱𝗮𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗻 𝗔𝗱𝘃𝗮𝗻𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁𝘀 𝗶𝗻 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, Filipiniana Hotel, Calapan City, Setyembre 25-28, 2023.
Kabilang sa mga naging kalahok sa pagsasanay ay ang mga 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 (𝗟𝗘𝗗𝗜𝗣𝗢), 𝗠𝗣𝗗𝗖, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿𝘀, 𝗦𝗕 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿 𝗼𝗻 𝗮𝗻𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, at 𝗠𝗟𝗚𝗢𝗢 mula sa 11 Local Government Units sa lalawigan na kinabibilangan ng Puerto Galera, San Teodoro, Calapan City, Naujan, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Bongabong, Roxas at Mansalay.
Bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan ay dumalo dito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿 𝗡𝗶𝗰𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗝𝗼𝗲𝘆 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮. Naroon din si 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶.
Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay ay tinalakay ang mga sumusunod na paksa: 𝑪𝒓𝒆𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑬𝒄𝒐𝒏𝒐𝒎𝒊𝒄 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑪𝒉𝒂𝒎𝒑𝒊𝒐𝒏𝒔: 𝑹𝒆𝒇𝒐𝒄𝒖𝒔𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑬𝒄𝒐𝒏𝒐𝒎𝒚; 𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒔-𝑭𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅𝒍𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑳𝑮𝑼’𝒔: 𝑹𝒆𝒃𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒖𝒎𝒆𝒓 𝒂𝒏𝒅 𝑩𝒖𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑪𝒐𝒏𝒇𝒊𝒅𝒆𝒏𝒄𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝑵𝒆𝒘 𝑵𝒐𝒓𝒎𝒂𝒍; 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑳𝑬𝑫 𝑺𝒕𝒓𝒂𝒕𝒆𝒈𝒚: 𝑻𝒓𝒂𝒏𝒔𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑹𝒆𝒔𝒊𝒍𝒊𝒆𝒏𝒕 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒗𝒆𝒓𝒚 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔.
Sa unang araw ng aktibidad ay naroon si 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗗𝗲𝗹 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼, 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 upang pangunahan ang pormal na pagbubukas ng programa.
Si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 bilang Punong Ehekutibo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan ay dumalo rin sa nasabing okasyon, at dito ay kanyang ipinahayag ang buong pagsuporta sa programa ng DILG na aniya’y napakahalaga na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kapwa niya kawani hinggil sa pagpaplano at matalinong pangangasiwa ng lokal na ekonomiya.