Nitong ika-19 ng Disyembre, ipinagkaloob sa 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang dalawang farm machinery tulad ng 𝑭𝒐𝒖𝒓
𝑾𝒉𝒆𝒆𝒍 𝑻𝒓𝒂𝒄𝒕𝒐𝒓 at 𝑹𝒊𝒄𝒆 𝑪𝒐𝒎𝒃𝒊𝒏𝒆 𝑯𝒂𝒓𝒗𝒆𝒔𝒕𝒆𝒓 na binigyang katuparan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pakikipagtulungan sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲-𝗣𝗛𝗶𝗹𝗠𝗲𝗰𝗵, sa ilalim ng 𝑹𝒊𝒄𝒆 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑬𝒏𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑭𝒖𝒏𝒅 (𝑹𝑪𝑬𝑭) 𝑴𝒆𝒄𝒉𝒂𝒏𝒊𝒛𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎.
Kasabay ng naturang Machinery Blessing ang pagdaraos din ng mga kasapi ng Gulod Farmers Association ng kanilang Christmas Party na dinaluhan ng Punong Lungsod kasama sina 𝗖𝗔𝗟𝗙𝗙𝗔 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗮𝘀𝗽𝗲𝗿 𝗕. 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗛𝗼𝗻. 𝗠𝗲𝗻𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗠. 𝗣𝗲𝘀𝗶𝗴, 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱 𝗙𝗔 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗛𝗼𝗻. 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗱𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗩. 𝗚𝗼𝗻𝘇𝗮𝗹𝗲𝘀, at 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁, 𝗠𝗿. 𝗜𝘀𝗿𝗮𝗲𝗹 𝗜. 𝗟𝗮𝘆𝗴𝗼.
Ang dalawang kagamitan sa pagsasakang ito na nagkakahalaga ng 𝗣𝟯.𝟵 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 ay nakatakda sanang matanggap ng mga nasabing magsasaka sa susunod pang taon, ngunit dahil sa pagsusumikap ng butihing Ina ng Lungsod, Mayor Morillo na buong pusong nakasuporta sa mga magsasaka, maaga itong naibigay para sa kanila.
Samantala, bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kasipagan at kahusayan ni Mayor Morillo sa pagsuporta para masiguro ang matagumpay na implementasyon ng RCEF – Mechanization Program sa Lungsod ng Calapan, ginawaran siya ng Gulod Farmers Association ng Plaque of Appreciation.