Toilet Bowl Distribution

NASA LARAWAN | Tatlong (3) barangay ang dinayo ng Serbisyong TAMA upang mamahagi ng mga toilet bowl noong ika-5 ng Hulyo.

Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, nabigyang katuparan ang kahilingan ng ilang residente ng Brgy. Bondoc, Buhuan at Managpi na magkaroon ng mga bagong gamit para sa kanilang palikuran. Lumarga ang STP Team na pinamumunuan ni Mr. Peter Joseph V. Dytioco kung saan kasama rin sa nasabing aktibidad sina Ms. Charissa ‘ISAY’ Flores (volunteer), dating Konsehala, Ms. Mylene De Jesus at Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns, Mr. Jaypee Vega. Nagpapasalamat naman ang Calapan LGU sa mga opisyales ng iba’t ibang barangay na nakiisa at tumulong na maging maayos ang nasabing aktibidad.