Sa pagsisimula ng buwan ng 𝑭𝒍𝒐𝒓𝒆𝒔 𝒅𝒆 𝑴𝒂𝒚𝒐, idinaos ng Provincial Government of Oriental Mindoro ang 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯 at kasabay nito ang pagbubukas ng 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮 𝗱𝗲𝗹 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿.
Bilang kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang nasabing okasyon upang ipakita ang suporta at kagalakan sa pagkakaroon ng isa na namang lugar-pasyalan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, partikular na sa lungsod ng Calapan.
Isinagawa ang parada ng Santacruzan mula sa Sto. Nino Cathedral hanggang sa Liwasan ng Mamamayan kung saan tampok ang mga magarbong arko ng bawat Reyna.
Kaugnay nga nito, nagwagi bilang 𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑨𝒓𝒄 ang arko ni 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮 𝗙𝗲 ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na tila isang karwahe na gawa sa tuyo at mga bulaklak.
Opisyal ding binuksan sa publiko ang 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮 𝗱𝗲𝗹 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 sa pangunguna nina 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗻𝘇 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗷𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻, at 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼.
Sa pagbubukas ng nasabing plaza ay ang pinakainaabangan ng lahat at ang highlight ng gabi — ang kauna-unanahang show ng dancing fountain sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

































