TAMAng School Supplies para sa Chikitings 2024

“Ginagalingan, nagpapaka-Nanay, kaya gusto siya ng mga bata. Love siya ng mga bata talaga.”

Umabot sa 15,408 na kabataang Calapeno ang nabiyayaan ngayong taon ng proyekto ng pamahalaang lungsod na ‘TAMAng School Supplies para sa

Chikitings’. Ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 ay tumanggap ng mga libreng gamit pang-eskwela. Ang proyektong ito ay sinimulan nang maupo bilang alkalde ang butihing Ina ng lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo.